Simulang Alamin kung paano ibahagi ang Salita ng Diyos Ngayon!
1. Kumpletuhin ang tatlong pansariling aralin.
2. Mag-sign up sa isang live online class na pinangungunahan ng isang ISIP Bible instructor.
ISIP. Ang aming pangalan at ang aming pamamaraan ng pagsasanay. Naririto kami upang tulungan ka na maging isang lingkod ni Cristo ngayon!
-
Isipin
Ang bawat aralin ay nagsisimula sa I - Isipin. Ito ay karaniwang isa o higit pang tanong na naglalayong pukawin ang interes ng mag-aaral. -
Suriin
Ang ikalawang seksiyon ay S - Suriin. Dito ay sinusuri ang batayang teksto ng aralin na kinabibilangan ng pagtukoy sa mga pangunahing tauhan, lugar, at pangyayari. -
Isapuso
Ang ikatlong seksiyon ay I - Isapuso at sa seksiyong ito ay tinutukoy ang problema, ang kasalanan, at ang solusyon, si Jesus, upang ang mensahe o diwa ng aralin ay maisapuso at maisabuhay ng mag-aaral. -
Palaganapin
Ang ikaapat na seksiyon ay P - Palaganapin na naghihikayat sa mag-aaral na kanyang ibahagi sa iba ang kanyang natutunan.

Ano ang ISIP?
Ang ISIP ay isang programa ng pagsasanay para sa gawain ng paglilingkod kay Cristo. Ang lahat ng mga aralin sa ISIP ay libre at itinuturo online. Pagkatapos ng bawat isang kurso o aralin, ikaw ay makakatanggap ng isang sertipiko o katibayan na natapos mo na ang naturang kurso o aralin.
Paano ako magsisimula?
Kumpletuhin mo ang unang bahagi na binubuo ng pag-aaral ng tatlong “self-guided courses”. Ang bawat isang “self-guided course” ay binubuo ng tig-sisiyam na mga aralin.
Kung matapos mo na ang lahat ng mga aralin sa unang bahagi, maaari kang magpatuloy sa ikalawang bahagi. Ang ikalawang bahagi ay ang mas malalim na pag-aaral ng iba’t ibang katuruan ng Biblia. Ang pag-aaral na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng “live online classes” na pinangungunahan ng isang tagapagturo ng Biblia. Aasahan namin ang iyong pakikibahagi!
Magtanong sa Isang Pastor
Ipadala mo ang iyong katanungan at ito ay sasagutin ng isang Cristianong tagapagturo at lingkod.
MagtanongMakipag-ugnayan sa amin
Mag-email, tumawag, o ipadala ang iyong mensahe sa ISIP.
makipag-ugnay sa amin